Saturday, April 21, 2012

Super Boss



Paano Magiging Isang Magandang Amo

Kapag ang amo ng amo nyo ay nasa ibang bansa, ito ang pinakamabisang paraan para  magpadala ng mga emails.  Hindi naman nila nakikita ang ginagawa mo.  Kahit mali man ang ipapada mo, yung pa rin ang paniniwalaan nila.  Dapat magaling ka lang dumiskarte.

  • Magpadala ng email sa kliente na natanggap ang kanilang habilin.  Kahit di mo naiintindihan ang pinapagawa nila, oo lang ng oo.
  • Magtanong ng mabulaklaking mga salita me-masabi lang.
  • Mag-email sa kliente sabay utos sa supilin.  FYA – for your action!  Dapat may exclamation point para may dating.
  • Lahat ng emails na ipapadala ay dapat unahang pahalagahang (first priority!)
  • Magpadala ng emails ng madaling araw.
  • Magpadala ng emails sa kalaliman ng gabi.

Sa opisina naman, eto ang dapat gawin:

  • Isigaw sa lahat na ang dami ko pang gagawin!
  • Isigaw sa lahat, magtatrabaho pa ako sa katapusan ng lingo!
  • Mag-ikot buong araw at pagdating ng hapon, saka sasagot ng tungkulin.
  • Mag-open time sa internet ng opisina maghapon, pagdating ng gabi, sasagot ng tungkulin.
  • Kung wala kang input sa report, punahin mo ang kulay ng Excel.
  • Kung wala kang madagdag sa meeting, i-correct mo ang grammar nila.

No comments: